Advertisement
PAJG

Untitled

Jul 23rd, 2018
77
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.36 KB | None | 0 0
  1. Mali ba ako?
  2.  
  3. Ako: "Pau, samahan mo nga ako sa baba, sisilayan ko lang si Andrea."
  4.  
  5. Pau: "Kilig na kilig ka na naman dyan! Osige basta bilisan lang natin ha? Baka mamaya abutan pa tayo ni Ma'am at di na papasukin sa subject nya dahil late na tayo." ang mabilis na sagot nya sa akin at halatang kinakabahan.
  6.  
  7. Ako: "Oo na! Saglit lang naman tayo."
  8.  
  9. Habang pababa na kami ay hindi ko talaga maiwasang kiligin nang sobra. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kay Andrea eh sobrang ganda nya. Mala-anghel ang mukha, magaganda ang mga mata at labi, matalino, talented pa. Talagang siya ang totoong kahulungan ng salitang "perpekto" para sa akin. Wala nga lang akong lakas ng loob para aminin ang nararamdaman ko sa kanya, torpe kasi ako eh kaya hanggang silay na lang ako sa kanya.
  10.  
  11. *habang nakakatitig ako kay Andrea*
  12. Pau: "Tara na! Nakikita ko na si Ma'am papunta sa classroom natin baka maunahan pa nya tayong makarating sa classroom!"
  13.  
  14. Ako: "Sandali na lang!"
  15.  
  16. Pau: "Hay nako! Tara na nga kasi!" ang pagmamadaling pag-aayaya nya sa akin habang ako ay hila hila nya pataas.
  17.  
  18. Pau: "Ano ba kasing nagustuhan mo dun? Bakit patay na patay ka sa kanya?
  19.  
  20. Ako: "Hindi ko rin alam tingin ko nga gusto ko na sya eh."
  21.  
  22. Pau: "Hoy! Tumigil ka nga dyan sa kahibangan mo! Gumising ka na lang sa katotohanan na 4th year high-school ka na at nasa Grade 1 palang si Andrea."
  23.  
  24. -PAJG
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement