Advertisement
Guest User

Untitled

a guest
Jun 20th, 2018
61
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.90 KB | None | 0 0
  1. Para sa mga Nakatunganga
  2.  
  3. “Nak, next time na lang ha.”
  4.  
  5.  
  6. Sa mga ilang ulit ko na iyang nakinig sa mga magulang ko ay di pa rin ako masanay hannggang ngayon. Tuwing may nakikita akong bagay na napupusuan ko, tila walang preno ang aking bibig sa pagmamakaawa sa aking mga magulang na ibili iyon sa’kin. Walang nagbabago, iisa pa rin ang sagot.
  7.  
  8.  
  9.  
  10. Marami akong bagay na gusto. Mga hilig. At sa edad ko ito ay di ko pa rin lubos na masabing kumpleto na ako. Sino ba naman ang oo. Sa pamumuhay ng isang dekada at limang taon ay kulang na kulang pa para sa ilan. Eh ako pa kaya? Likas na sa’tin ang ugaling mahiliin. Marami nga diyan, sila pa nanghihili. Maraming bagay ang minimithi kong magkaroon. Tulad ng iPhone 4s, bagong version at edition ng Wii at mga bagong Cd ng paborito kong anime. Lahat bawal. Lahat next time. Lahat nalang, “di kailangan.”
  11.  
  12.  
  13.  
  14. Kelan nga ba nagiging sapat ang sapat? Kapag ba kontento ka na. Kapag masaya na ka. O kapag handa ka nang mamatay dahil nakamit mo na ang ‘sapat’? Maraming opinion, dahilan. Lahat nagbabakbakan sa’king utak. Alin ang susundin at alin man ang pipiliin. May iniintay ako. At alam kong may iniitay din kayo. Panahon man, pagkakataon o tao. Iniintay ko ang araw na tapos na kong gawin ang lahat ng gusto ko. Yung wala na akong problema pa. Hindi na mag-aaral. Di na magtratrabaho. Di na magsusustento ng kapamilya. At hindi na ako magpapakapagod. Nalagutan na ng hininga e, kahihintay.
  15.  
  16.  
  17.  
  18. Eto ako. Naghihintay lang. Walang ginagawa. Basta hintay lang at wala nang iba. Nakakasawa. Nakakapagod. Walang ginagawa kaya walang nangyayari. Diyan ka lang at dito lang din ako. Bahala ka kung may gagawin ka. Basta ako, nagiisip pa.
  19.  
  20.  
  21.  
  22. Nagiisip. Nalilito. Naghihintay. Nagugutom.
  23.  
  24.  
  25.  
  26. Gusto kong manahimik muna ngayon. Pabayaang lumipas ang oras o taon-taon pa man sa aking harapan. Walang ginagawa. Walang kibo.
  27.  
  28. Naghihintay lang at …
  29.  
  30.  
  31.  
  32. Nakatunganga.
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement