Advertisement
CountyofSantaClara

10.19.20 Orange Tier: Indoor dining now allowed.Tagalog

Oct 19th, 2020
131
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 7.23 KB | None | 0 0
  1. Orange na Antas: Mga Pagbabago sa mga Estbalisimyentong Kainan
  2.  
  3. Panimula Seksyon 1
  4.  
  5. Kapag pumasok tayo sa Orange na Antas, papayagan ang panloob na kainan. Para maprotektahan ang mga customer at manggagawa, ang County ng Santa Clara ay lumikha nang isang hanay ng mga mahigpit na ipinapatupad na direktiba kung paano dapat magpatakbo ang mga pasilidad ng kainan para sa parehong panloob at panlabas na kainan.
  6. Una, bago sa pagbubukas, ang lahat ng mga negosyo ay dapat magkumpleto at magsumite ng protokol ng pagdistansya sa ibang tao sa covid19prepared.org/tl. Ang protokol ng pagdistansya sa ibang tao na ito ay dapat ma-print at maipaskil sa pintuan kung saan madaling makita.
  7. Pangalawa, ang lahat ng mga negosyo ay kinakailangan na bumasa at sumunod sa mga Mahipit na Ipinapatupad na Direktiba para sa mga Pasilidad ng Kainan, na inilabas ng County ng Santa Clara sa link sa ibaba sccgov.org/cv19order/tl.
  8.  
  9. Seksyon 2
  10. I. Ito ang mga Pangkalahatang Kinakailangan para sa Lahat ng Establisimyento na Kainan
  11.  
  12. • Ang mga customer ay dapat magsuot ng mga panakip sa mukha sa lahat ng oras kapag sila ay nasa loob o labas ng pasilidad, at kapag hindi kumakain o umiinom.
  13. • Ang mga establisimyento na kainan ay dapat magpayo at, kung kinakailangan, magpaalala sa mga customer ng mga kinakailangan sa panakip sa mukha at magtanggi sa pagpapasok sa mga customer na tumanggi sa pagsuot ng mga panakip sa mukha.
  14. • Ang mga kawani ay dapat magsuot ng mga panakip sa muka sa lahat ng oras habang nasa loob o labas ng pasilidad
  15. • Ang mga negosyo ay responsable sa pagtitiyak na ang mga kawani ay sumusuot ng mga panakip sa mukha sa lahat ng oras.
  16. • Pagkatapos nang paglinis ng bawat lamesa sa pagitan ng mga grupo ng customer, ang mga establisimyento na kainan ay dapat maglagay ng palatandaan o kard para magpaalala sa mga customer ng mga kinakailangan sa panakip sa mukha.
  17. • Ang mga pasilidad ay dapat maghiwalay nang lahat ng lamesa na may 10 na talampakan na pagitan para may sapat na pagdistansya sa ibang tao sa pagitan ng mga customer na nakaupo sa iba’t ibang mga lamesa at sa mga customer na pumupunta sa kanilang mga lamesa.
  18. • Bago paupuin ang susunod na grupo, lubusan na linisin ang lokasyon para sa pagkain at pag-inom, kabilang ang mga lamesa at upuan.
  19. • Mangailangan sa mga serbidora na maghugas at maglinis nang kanilang mga kamay sa pagitan nang pagbisita sa bawat grupo.
  20. • Dapat paupuin ang mga customer para kumain at uminom at dapat may limitasyon na hindi hihigit sa 6 na katao bawat lamesa.
  21. • Ang mga pasilidad ay kinakailangan na mag-alok ng mga serbisyong curbside pickup, takeaway at/o delivery bilang alternatibo sa pagkain ng customer sa loob ng pasilidad.
  22. Seksyon 3
  23. II. Ang mga sumusunod ay ang mga karagdagang kinakailangan para sa Lahat ng Establisimyento ng Panlabas na Kainan
  24. • Para makapagpatakbo para sa serbisyo ng panlabas na kainan, ang negosyo ay dapat tumugon sa pamantayan ng Panlabas na Pasilidad, at dapat mayroong libreng daloy ng panlabas na hangin sa buong espasyo. Ang negosyo ay mariing hinihikayat na gumamit, na gawing prayoridad, at palawakin ang panloob na espasyo ng kainan hangga’t maaari.
  25. • Payuhan ang mga customer na kung sila ay kumakain sa labas, maaari lamang silang pumasok sa mga panloob na mga lugar para: (1) pumunta sa banyo, (2) pumunta sa pasilidad ng panlabas na kainan, o (3) mag-order, o kumuha ng pagkain at inumin sa panloob na counter.
  26. • Ang live na aliwan ay papayagan habang sumusunod sa mga patnubay ng aming direktiba.
  27.  
  28. Seksyon 4
  29. III. Ang mga sumusunod ay ang mga karagdagang kinakailangan para sa Lahat ng Establisimyento ng Panloob na Kainan
  30. o Ang bilang ng mga customer sa pasilidad ng panloob na kainan ay dapat limitahan sa mas mababa ng: (1) 25% ng kapasidad ng lugar ng kainan, o (2) kabuuang 100 na customer para sa pasilidad ng panloob na kainan.
  31. o Ang establisimyento ay dapat magpaskil ng palatandaan na tumutukoy ng pinakamaraming bilang ng mga customer na pinapayagang kumain sa loob ng pasilidad sa anumang oras, at mahigpit na subaybayan at ikontrol ang daloy ng tao na pumapasok at lumalabas sa pasilidad para matiyak na hindi lumalampas sa mga limitasyon ng kapasidad.
  32. o Ang mga establisimyento ng panloob na kainan ay dapat magpaskil ng palatandaan at pasalitang ipaalam sa mga customer na ang lahat na nakaupo sa isang lamesa ay dapat mula sa parehong sambahayan.
  33. • Ang negosyo ay dapat mangailangan na hindi bababa sa isang customer na mula sa bawat grupo na magkasamang nakaupo na mag-sign in sa kanilang pagpasok sa establisimyento (o ng mas maaga sa pamamagitan ng remote na sign-in)
  34. • Walang panloob na aliwan ang pinapayagan sa ngayon.
  35. • Ang mga establisimyento ng panloob na kainan ay dapat tumigil sa paghain ng pagkain at mga inumin sa mga customer na kumakain sa loob ng establisimyento sa o bago maghatinggabi at hindi magpatuloy ng serbisyo ng panloob na kainan hanggang 5:00 am.
  36. • Ang mga customer ay hindi maaaring bigyan ng serbisyo sa bar counter.
  37. • Para sa operasyon ng panloob na kainan, ang alkohol ay maaari lamang ibenta sa mga customer kasabay sa transaksyon ng pagbenta ng pagkain at maaari lamang ihain habang nakaupo ang mga customer sa kanilang mga lamesa.
  38. • Buksan ang mga pintuan at bintana (partikular na sa mga lugar kung saan kumakain ang customer) para mapalawak ang sirkulasyon ng panlabas na hangin kapag pinapayagan ng mga kondisyon ng kapaligiran at ng mga kinakailangan ng gusali.
  39. • Ang mga establisimyento ng panloob na kainan na may mga central air handling/HVAC system ay dapat tumiyak na ang mga HVAC system ay siniserbisyuhan at gumagana nang maayos.
  40. Seksyon 5
  41. IV. Ito ang mga kinakailangan para sa mga Bar, Winery at lugar ng paninigarilyo
  42. • Ang mga bar, pagawaan ng beer, brewpub, pub, pagawaan ng alak, at winery na hindi naghahain ng mga pagkain ay maaaring magbigay ng serbisyo sa mga customer sa labas alinsunod sa mga panuntunan para sa panlabas na kainan na nakasaad sa Seksyon I at II ng Direktibang ito at sa mga sumusunod na mga karagdagang kinakailangan:
  43. o Ang alcohol ay dapat lamang ihain sa mga customer habang sila ay nakaupo sa kanilang mga lamesa at sila ay hindi maaaring paupuin or maserbisyuhan sa bar counter.
  44. o Ang mga customer na tumatanggap ng panlabas na serbisyo ay maaari lamang pumasok sa loob ng establisimyento para: (1) gumamit ng banyo, (2) sa takeaway na transaksyon, o (3) pumunta sa panlabas na espasyo na maaari lamang mapuntahan sa pamamagitan ng pagpasok sa establismyento.
  45. o Ang mga panloob na serbisyo sa mga customer ay hindi pinapayagan maliban kung sila ay nagbibigay ng serbisyo kung saan ang mga customer ay nakaupo, ng mga may-ari ng negosyo o sa ilalim ng kontrata ng ibang tindera, at magpatakbo alinsunod sa mga panuntunan para sa mga panloob na kainan na nakasaad sa Seksyon I at III ng Direktiba.
  46. 1. Mga Lugar ng Paninigarilyo
  47. a. Ang mga lugar ng paninigarilyo ay maaaring magpatakbo sa labas alinsunod sa mga panuntunan para sa panlabas na kainan.
  48. b. Ang mga lugar ng paninigarilyo ay hindi makapagpatakbo sa loob maliban sa mga sumusunod: takeaway retail sales at panloob na kainan
  49.  
  50. Maraming Salamat
  51.  
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement