Advertisement
Guest User

Untitled

a guest
May 25th, 2018
74
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.27 KB | None | 0 0
  1. April 14, 2018
  2. 12:07 AM
  3.  
  4. Sa pagpatak ng hating-gabi
  5. Kumo't unan ang katabi
  6. Mistulang nawawala kapag naiisip ka
  7. Napapaisip, kung mahal mo ba 'kong talaga
  8.  
  9. Palaisipan sa aking araw-araw
  10. Kung sa paglipas ng oras, tayo ba'y nakakasabay
  11. O unti-unti ring napaparang
  12. Hambing sa harang na walang hanggan
  13.  
  14. Unang araw ng pagiibigan
  15. Tanaw na tanaw ang kinabukasan
  16. Na sa piling ko ikaw ay mananatili
  17. Na sa piling mo, 'di mawawaglit
  18.  
  19. Tunay nga bang pagiibigan
  20. O isa lamang libangan?
  21. Na sa isang saglit ng di pagkakaintindihan
  22. Pagguho ng tulay ang masasaksihan
  23.  
  24. Tila kailanma'y di na maabot pa
  25. Ang iyong damdamin na nakawala na
  26. Minsang pinagbigkis tayong dalawa
  27. Ngunit oras na ata ng pagsisimula
  28.  
  29. Magsimulang luwagan ang bigkis ng pagmamahalan
  30. Na sa ati'y kunwaring sumasakal
  31. Kunwaring nasasaktan at lumuluha
  32. Pero totoo'y parehas sa hinagpis at tuwa
  33.  
  34. Minsan tayo'y isang papel na eroplano
  35. Lumilipad kapag binato
  36. Subalit ang pakiwari kong walang hangganan
  37. Darating din pala sa isang hantungan
  38.  
  39. Hantungan kung saan ang isa'y pagod na
  40. Ang libingan ng mga minsanang alaala
  41. Sa paglipad nating mataas at makiling
  42. Naabot ang hangin ngunit 'di ang bituin
  43.  
  44. Ngayo'y sabay tayong babagsak
  45. Ngayo'y malaya tayong bibitaw
  46. Dahan-dahan tayong bumaba
  47. Tanggaping eroplano'y papel pala
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement