Not a member of Pastebin yet?
Sign Up,
it unlocks many cool features!
- Paano nakakaapekto sa’yo ang Kautusan sa Pagsusuri na Pananagutan ng Healthcare?
- Sa ilalaim ng Kautusan sa Pagsusuri na Panangutan ng Healthcare na inilabas noong Setyembre 16,2020 na maging mabisa sa Setyembre 25, 2020, ang inyong healthcare provider ay legal na kinakailangan na magbigay sa’yo ng pagsusuri para sa COVID-19 kung
- Ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas ng COVID-19
- Ikaw ay nalantad sa isang tao na nakumpirmang isang kaso ng COVID-19;
- Ikaw ay napagsabihan ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng Santa Clara County na magpasuri para sa COVID-19 sa inyong healthcare provider; o
- Ikaw ay isang “Essential Worker” o isang mahalagang manggagawa
- Bilang karagdagan,
- Hindi maaaring mag-abala sa’yo ang inyong healthcare provider tungkol sa kwalipikasyon sa pagsusuri para sa COVID-19. Partikular na hindi sila maaaring humiling sa’yo ng katibayan ng pagiging kwalipikado para sa pagsusuri.
- Hindi maaaring i-antala ng inyong healthcare provider ang pagsusuri sa inyo.
- Kung mayroon kayong mga sintomas, nalantad sa isang kumpirmadong kaso ng COVID-19, o napagsabihan na magpasuri ng Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ng County, dapat magsuri sa’yo ang inyong provider sa loob ng susunod na araw kung kalian ka humingi ng pagsusuri.
- Kung ikaw ay isang essential worker, dapat magsuri sa’yo ang inyong provider sa loob ng tatlong araw ng ikaw ay humiling ng pagsusuri
- Siguraduhin na bumisita sa sccgov.org/cv19-tl para sa mga karagdagang detalye
- At saka, dapat maibigay sa’yo ng inyong healthcare provider ang inyong mga resulta sa loob ng tatlong araw ng kalendaryo ng ikaw ay nasuri.
- Dapat hindi ka direktang i-singil ng inyong healthcare provider sa pagsusuri para sa COVID-19. Maaaring sisingilin ang inyong insurance pero ikaw ay hindi sisingilin.
- Kung ikaw ay nahihirapan na makakuha sa inyong healthcare provider ng isang pagsusuri para sa COVID-19, maaari mong i-report ang inyong pag-aalala sa www.scccovidconcerns.org sa pag-click sa box na may title na “I-Report ang Inaalala sa Negosyo, Paaralan, o Healthcare Provider.”
- Ako po ay si Jimbill Batuampo, Public Information Officer ng Santa Clara County. Maraming Salamat!
Add Comment
Please, Sign In to add comment