MJ_Agassi551

guide 4 video_fnl

Jun 29th, 2022 (edited)
36
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 2.99 KB | None | 0 0
  1. Kung akala niyo ay kumalma na ako pagkatapos nito, hindi. Makata ako eh. Writer. Natural lang na hindi talaga ako kakalma agad nung nakita ko yung statement ng Rappler.
  2.  
  3. At kung hindi ka pa kinikilabutan ngayon sa ginagawa ng mga taong ito, a eh baka kasi sinusuportahan o kinukunsinte mo.
  4.  
  5. Sasabihin nila na isolated incident lang 'yan. Sasabihin nila na kuta ng terorista ang Bulatlat. Sasabihin nila na mga talagang bilang na ang araw ng Channel 2. Na traydor sa bayan si Maria Ressa. Hindi mo sila paniniwalaan. Sinungaling sila eh. Gago rin. Halata naman.
  6.  
  7. Mula sa mga nilalagay ng mokong na pangulo sa mga posisyon sa gobyerno hanggang sa kagimbal-gimbal na idea na pro-Marcos vloggers ang una sa press con, mag-iiba na ang mundo mo. Dadami na ang tatango at mababawasan ang mga iiling. Mas sisigla ang mga gustong isipin na mabuti ang lahat kahit hindi naman talaga.
  8.  
  9. Kilabutan ka na.
  10.  
  11. Dahil diyan 'yan magsisimula. Hindi na nga nagsisimula eh -- eto na 'yun, Stage 2 na sila. Sinusunog na ang mga plataporma kung saan pwedeng kumontra -- tandaan mo, hindi lahat ng tao sa Pilipinas, may internet. Kasabay nito, pagmumukhain nilang tangengot ang lahat na hindi sumusuporta na parang poon sa administrasyon. At sa loob mismo ng gobyerno, puro crony at kamag-anak lang din ang pinauupo. Si Risa Hontiveros lang ang oposisyon sa Senado. Mantakin mo 'yun? Parang tong-its lang o poker. Dinadaya na ang mga baraha para laging sila ang panalo at wala kang mahihita.
  12.  
  13. At kung akala mo ay hindi ka maaapektuhan, sana maganda insurance mo o may visa ka palabas.
  14.  
  15. Normal lang ang matakot. Masindak. Mag-alala. Kasi tao ka na nakararamdam at gumagalaw base sa nakikita at naririnig. At ngayong panget na ang nakikita mo sa estado ng katotohanan at kasaysayan, oras nang kumilos.
  16.  
  17. Sisimulan natin sa bibig. Sa bawat sasabihin, dapat nakabase sa totoo at may pruweba. Hindi nagpapadala sa emosyon, ngunitt humahatak ng emosyon, dahil hindi lang basta nasa isip ang kasinungalingan. Makiramdam, ngunit huwag damdamin. At maging mapagpasensya. Systemic ang problema -- ibig sabihin, hindi titigil sa iisang tao lang.
  18.  
  19. Mula rito, gagalaw ang boung katawan. Maglalakad. Lalaban. Ako, hindi ko kayang humawak ng patalim o baril -- mabilis akong mapagod at sumasakit ang baga ko, kaya ipapaubaya ko na sa iyo ng susunod na gagawin mo. Humanap ka ng kasama, kasangga, kakampi. At magsama-sama kayo, dahil nagsama-sama na rin ang mga dapat talunin. Magsulat. Magsalita. Sumayaw at kumanta. Umarte. Kahit baduy naman ang kanta sa TikTok.
  20.  
  21. Hindi sila matatalo kung papabayaan natin. Kahit sabihin nilang pikon tayo, huwag kayong magpatalo. Gayahin niyo sila, ngunit gamitin niyo ang katotohanan. At huwag ninyong hahayaang mabulag kayo.
  22.  
  23. Mapanganib ang mundo ng social media ngayon. Pero nandyan lang naman rin sa mga gadget niyo ang sagot. Nasa mga historyador. Sa mga scientist. Sa mga gurong kayang ituro ang lahat. Higit sa lahat, nasa sa inyo kung paano sila sasalagin -- at kung paano poprotektahan ang bayan sa mga sinungaling, trapo at mamamatay-tao.
Add Comment
Please, Sign In to add comment