Infinite_Hack

Project

Mar 27th, 2019
345
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.46 KB | None | 0 0
  1. Hindi na maka galaw si Don Juan sa tinamong hirap, bugbog, at sakit ng katawan na ginawa ng dalawa niyang kapatid. Sa kanyang panalangin, hiniling niya na kung hindi siya papalaring mabuhay, loobin sana ng Panginoon at Mahal na Birhen na mabuhay ang kanyang ama. Hindi pa rin niya maubos-maisip kung bakit nagawa iyon ng kanyang mga kapatid. Gayunpaman inihingi na rin niya ang kapatawaran ang mga ito sa Panginoon. Dahil sa inggit, pinagbalakan ng masama ni Don Pedro ang kapatid na si Don Juan. Sinabi niya ang kanyang balak kay Don Diego. Hindi pumayag ang huli ngunit sa kapipilit ni Don Pedro napapayag rin niya si Don Diego. Binugbog nila si Don Juan at iniwang halos wala nang buhay sa kagubatan. Dinala nila ang Ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya, natuwa ang buong kaharian sa kanilang pagdating. Tinanong ng hari kung nasaan si Don Juan ngunit sabi ng dalawa ay hindi raw nila alam. Halos ikamatay ng hari ang tugon ng magkapatid. Samantala, ang Ibong Adarna ay ayaw umawit at naging napakalungkot. Si Don Juan ay tinaksilan ng kanyang dalawang nakakatandang kapatid dahil sa kanilang inggit sa kanya sapagkat siya ang nakahuli sa Ibong Adarna. Nang siya'y iniwan na ng kanyang mga kapatid na halos na mamamatay na siya ay nagdasal siya sa Birheng Maria na sana ay mabubuhay parin ang kanyang ama, hindi niya man alam kung bakit ginawa ng kanyang mga kapatid niya ito sa kanya, kahit ganoon humingi parin siya sa ng kapatawaran para sa kanyang dalawang magkakapatid sa Birheng Maria.
Add Comment
Please, Sign In to add comment