CountyofSantaClara

05.05.20 PSA Social Distancing - Tagalog

May 5th, 2020
52
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.68 KB | None | 0 0
  1. Ang isa sa mga pinaka-epektibong paraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ay ang pagsasagawa ng wastong pisikal na pagpadistansya.
  2.  
  3. Nangangahulugan ito na mapanatili ang isang puwang ng hindi bababa sa anim na piye mula sa mga taong hindi nakatira sa inyo. Ito ay pinakakaunti lamang. Mas mabuti ang mas malaking puwang sa pagitan ng mga tao.
  4.  
  5. Ano ang hitsura ng pagpadistansya sa ibang tao?
  6.  
  7. Nangangahulugan ito na manatili sa bahay at iwasan ang lahat na hindi kinakailangang pakikipag-ugnay sa iba.
  8.  
  9. Sa partikular, maiwasan ang pakikipag-ugnay sa mga taong may sakit, at manatili sa bahay na malayo sa iba kapag may sakit kayo.
  10.  
  11. Limitahan ang mga biyahe para sa groserya, gasolina, at iba pang mga mahahalagang gamit.
  12.  
  13. Gumamit ng mga malikhaing paraan upang kumonekta sa iba. Gumamit ng telepono at online na kumperensya ng video para sa trabaho at makipag-ugnay sa mga kaibigan at pamilya.
  14.  
  15. Kung kailangan ninyong umalis sa bahay para sa isang mahalagang aktibidad, palaging manatiling hindi bababa sa 6 na piye na layo sa iba at magsuot ng panakip sa mukha.
  16.  
  17. Dapat pagsamahin ang mga panakip sa mukha sa pagpadistansya sa ibang tao at sa paghuhugas ng kamay. Maaari nitong mabawasan ang pagkalat ng virus, ngunit hindi nito lubos na mapipigilan ang pagkalat.
  18.  
  19. Mandatorya ang mga kinakailangang pisikal na pagpadistansya. Dapat nating gawin ang ating bahagi upang makaligtas ng mga buhay. Salamat sa paggawa ng inyong bahagi.
  20.  
  21. Bisitahin ang web page ng County tungkol sa COVID-19 para sa karagdagang patnubay: https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/public-health-orders-tl.aspx. Tingnan ang Talaan ng Nilalaman at piliin ang Detalyadong Buod ng mga Pagbabago.
Add Comment
Please, Sign In to add comment