MJ_Agassi551

docu_concept

Sep 23rd, 2019
178
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.04 KB | None | 0 0
  1. Alam n'yo bang may solusyon na tayo sa malalang trapik sa Maynila? Oo, may solusyon 'tong lintis na problemang ito. Tara, sakay na kayo. Samahan n'yo kami.
  2.  
  3. Itong tricycle na 'to ang tingin kong solusyon sa last-mile problem, ang hadlang sa pagkumpleto ng isang tunay na makamasang sistema ng paglalakbay.
  4. Dahil naniniwala ako na nasa Pilipinas ang tunay na prototype para sa mabilis, malawakan, maayos at murang sistema ng pampublikong transportasyon.
  5. Nakikita natin 'to sa bawat kalsada. Sinasakyan natin ito araw-araw. Ngunit naisip mo ba na sana maitulad natin ang ating public transport sa mga mas mauunlad na bansa gaya ng Japan at France?
  6. Paano kung sabihin ko sa'yo na meron na tayo nito? Na napapabayaan lang natin ang dapat sana'y isang magandang solusyon sa problema ng pagpunta sa trabaho, eskwela, at pasyalan?
  7.  
  8. Ang tricycle. Ang jeepney. Ang bus. Ang taxi. Ang mga tren. Pati na rin ang mga bapor, ro-ro, at eroplano.
  9. Pagsamahin mo ang mga ito at makabubuo ka ng isang sistema na sasaklaw sa lahat ng lugar sa Pilipinas. Nakakatakam, 'di ba?
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment