MJ_Agassi551

vyug78guy

Oct 20th, 2020 (edited)
43
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 2.43 KB | None | 0 0
  1. Hi! Ako si San Marco, and I formally welcome you to heaven. Do you like what you see? Parang familiar, no? Naikwento na kasi sa’yo noong nabubuhay ka pa. Pero iba pa rin kapag nakita mo na ang tunay na hitsura ng langit.
  2.  
  3. Nabasa na namin yung file mo. You had a hard life, met great adversity. You are a person of the earth, and I understand how difficult it can be. Kausap ka namin eh. Alam namin na nagmula ka sa isang pamilya ng mga magsasaka, lumaban ka sa mga taga-Camellia Homes na nag-demolish ng bahay niyo at inaspaltuhan ang palayan niyo. Ngunit marubdob ang mga ipinaglalaban mo, at naroon ang Diyos. Handa mong ibigay ang buhay mo para sa kabutihan ng lahat. Dahil may idea ka ng isang perpektong mundo. Isang mundo na pantay-pantay ang lahat. Where justice prevails, good is rewarded and evil is non-existent. Isang utopia.
  4.  
  5. The Kingdom of God is better than a utopia. Kaya ka pinapasok ni kumpadreng Pete. Tara, samahan kita.
  6.  
  7. To the East, you have the Eternal Garden. The harvests here are perpetually bountiful, with food crops, fruit trees and vegetables and forests where we make the best-designed and most comfortable furniture. Angels and souls tend to everything here -- lahat, mula sa pinakamaliit na bulaklak hanggang sa mga agila sa mga puno, inaalagaan ang lahat, dahil isa ito sa mga bagay na sinigurado ng Diyos para sa langit. Pagkalinga ang punto ng Eternal Garden.
  8.  
  9. To the West, makikita mo 'to: The Grand Hall. Kasiyahan ang punto rito. Diyan yung mga choir, mga tagabasa, mga entertainer, mga preacher, at ang mga ordinaryong tao na siyang kasama natin sa pagpuri sa Diyos. Parang simbahan, pero hindi lang siya basta lugar-pangsamba. Concert stage din ito, kung saan pwedeng mag-perform ang lahat ng tao. May pila, pero siguradong lahat may panahon, at laging may manonood. Pagkilala ang punto ng Grand Hall.
  10.  
  11. Further out, may makikita kang mga bulubundukin at mga verandah. Some of our saints and all of our angels stay there and play. Minsan rock climbing, minsan may mga voice lesson, minsan may mga debate at obserbasyon. Pero madalas sa hindi, meron kang kausap at kasama. Dahil hindi lang isang destinasyon ang langit.
  12.  
  13. At the center, of course, is the Palace-Church. Dito tayo natutulog, nagbabasa, kumakain, naghahanda at nagininilay. Nandito ang Diyos, si Hesus, si Mama Mary, ang mga Apostol at ang mga Santo Papa. Pati ako, si San Marco. Narito kami
  14.  
  15. O, ayan. Naka-set na yung lugar mo, at nasa'yo na ang care package. Good?
  16.  
  17.  
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment