Advertisement
CountyofSantaClara

10.05.20 Orange Tier Revised Risk reduction.Tagalog

Oct 20th, 2020
62
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.80 KB | None | 0 0
  1. Ang Binagong Kautusan ng Pagbawas ng Panganib, inilabas noong October 5, ay magkakabisa kapag ang County ay lumipat sa Ikatlong Antas, ang Orange na Antas ng Panganib, sa ilalim ng “Plano para sa Mas Ligtas na Ekonomiya” ng Estado. Ang Orange na Antas ng Panganib ay pumapayag na muli ng magawa ang maraming aktibidad at ang mga pagpapatakbo ng negosyo. Ang mga pangunahing pagbabago ay para sa panloob na kainan at sa panloob na mga pagtitipon. Ang Kautusan ay mariing hindi naghihikayat ng mga pagtitipon, lalo na ang mga nasa loob, dahil ang paghahalo ng ibang mga kabahayan sa isang haba ng panahon ay kilala na may mataas na panganib ng pagkalat ng COVID-19. Dahil lang ang isang aktibidad ay pinapayagan, hindi ito nangangahulugan na ito ay ligtas.
  2.  
  3. Ang Binagong Kautusan ay nagpapatuloy na nangangailangan sa lahat ng mga negosyo na sumunod sa isang hanay ng mga panuntunan para mabawasan ang panganib ng pagkalat ng COVID-19, kabilang ang: Telework, mga kinakailangan ng Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao, at pag-uulat sa mga positibong kaso kung saan ang mga negosyo, kabilang ang mga entidad na pang-gobyerno, ay ligal na kinakailangang mag-ulat sa Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan sa loob ng apat na oras kung ang mga manggagawa ay nakumpirmang positibo sa COVID-19. Ang mga manggagawa ay dapat ding mag-alerto sa kanilang mga employer kung sila ay nasuring positibo. Ang lahat ng mga negosyo ay dapat magkumpleto at magsumite ng isang bagong Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao sa COVID19prepared.org. Ang mga naunang Protokol ng Pagdistansya sa Ibang Tao ay dapat ma-update sa loob ng labing-apat na araw kapag magkabisa ang kautusang ito.
  4.  
  5. Bisitahin ang website sa ibaba para sa karagdagang impormasyon. Ako po ay si Jimbill Batuampo, Public Information Officer ng Santa Clara County. Maraming Salamat!
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement