Advertisement
Not a member of Pastebin yet?
Sign Up,
it unlocks many cool features!
- Seksyon 1
- Ang mga nail salon ay maaari nang magpatakbo sa loob. Ang video na ito ay bahagyang nagpapakita kung ano ang dapat ihanda ng mga nail salon upang ligtas na makapagbukas.
- Upang maprotektahan ang mga customer at manggagawa, ang County ay lumikha ng isang hanay ng patnubay at mga mahigpit na ipinapatupad na direktiba kung paano dapat magpatakbo ang mga salon.
- Una, bago sa pagbubukas, dapat punan at magsumite ang lahat ng mga negosyo ng isang protokol ng pagdistansya sa ibang tao sa covid19prepared.org/tl. Itong protokol ng pagdistansya sa ibang tao ay dapat na mai-print at maipaskil sa pintuan kung saan ito madaling makikita, dapat din mabigyan ang mga empleyado ng isang kopya at ang mga may-ari ng negosyo ay dapat magbigay ng pagsasanay sa kanilang mga empleyado.
- Pangalawa, ang lahat ng mga negosyo ay kinakailangang bumasa at sumunod sa mahigpit na ipinapatupad na direktiba sa pangangalagang pansarili na inilabas ng Santa Clara County sa link sa ibaba. May mga espesyal na bagay na dapat tandaan:
- Seksyon 2
- Mga pagdating ng customer
- a. Tiyakin na alam ng mga customer na magpareserba ng isang appointment upang mabigyan ang inyong negosyo ng oras para maghanda
- b. Lahat ng mga waiting room, reception area, mga karaniwang lugar, at mga pahingahan ay dapat sarado
- i. Tanggalin ang lahat ng mga upuan, kagamitan, mga sample ng produkto sa mga lugar na iyon
- ii. Dapat ipaalam sa mga customer na huwag dumating nang higit sa limang minuto bago sa kanilang appointment.
- iii. Ipaalala sa kanila na dalhin ang kanilng panakip sa mukha
- c. Mag-set up ng walang kontak na sistema sa pagcheck-in at pagbabayad.
- d. Dapat din pasalitang suriin ng mga empleyado ang mga customer para sa mga sintomas ng COVID sa oras ng kanilang pagdating
- iv. Bilang karagdagan, nakaranas ba sila ng mga sintomas o nagkaroon ng positibong pagsusuri sa loob ng huling labing-apat na araw
- v. Kung oo ang sagot nila, i-iskedyul muli ang kanilang appointment. Dapat hindi bababa sa labing-apat na araw mula ngayon ang kanilang bagong appointment.
- 2. Dapat ding magtago ang negosyo ng mga masigasig na tala, na kinabibilangan ng:
- a. Pangalan, numero ng telepono, at email address ng kliyente
- b. Ang petsa, oras, at tagal ng pagbisita ng kliyente
- c. Ang pangalan at contact information ng sinumang manggagawa na nagserbisyo sa kliyente
- Seksyon 3
- 1. Dapat mag-setup ng mga istasyon ng trabaho upang mapanatili ang pagdistansya sa ibang tao
- a. Gumamit ng mga pisikal na harang o marka upang matiyak na walang taong nagtatrabaho, umuupo, o tumatayo sa loob ng anim na talampakan ng sinumang tao, maliban sa empleyado na nagbibigay ng serbisyo.
- b. Magpaskil ng mga palatandaan na nagpapaalala sa mga kliyente na manatiling 6 na talampakang layo mula sa mga tao maliban sa empleyado na nagbibigay ng serbisyo, upang hugasan ang kanilang mga kamay, o gumamit ng sanitizer ng kamay.
- 2. Hihilingin din sa mga empleyado na magsuot ng Personal na Kagamitan na Pangproteksyon, na madalas na tinutukoy bilang "PPE"
- a. Ang mga employer ay dapat kumuha, magbigay nang walang gastos sa empleyado, at mangailangan sa lahat ng mga manggagawa na gamitin ang sumusunod na PPE kapag nagsasagawa ng mga serbisyo:
- i. Mga panakip sa mukha
- 1. Ang N95 ay lubos na inirerekomenda para sa lahat ng mga manggagawa sa serbisyong pangangalagang pansarili
- ii. Proteksyon sa mata
- 1. Tulad ng salamin, goggles, o face shield
- iii. Maitatapon o maaaring mahugasan na smock o kapa na maitatapon o malalabhan sa pagitan ng mga kliyente; at
- iv. Maitatapon na mga guwantes kapag nagsasagawa ng mga serbisyo kung saan kinakailangan ang mga guwantes
- 1. Tiyakin na pinapalitan ang mga guwantes sa pagitan ng mga kliyente
- b. Bilang paalala, ang lahat ng mga customer at empleyado ay dapat magsuot ng mga panakip sa mukha sa lahat ng oras habang nasa pasilidad
- Seksyon 4
- 1. Dapat ding tiyakin ng negosyo na ginagawa ang wastong mga pamamaraan sa paglilinis
- a. Dapat na maghugas kaagad ng kamay ang mga manggagawa bago at pagkatapos ng serbisyo
- b. Dapat hindi din gumamit ang mga manggagawa ng kanilang mga cellphone habang nagbibigay ng mga serbisyo.
- c. Regular na disimpektahin ang lahat ng mga lugar na madalas na hinahawakan alinsunod sa mga alituntunin ng CDC
- d. Disimpektahin ang lahat ng mga kasangkapan at kagamitan na ginagamit upang gumawa ng mga serbisyong pangangalagang pansarili bago at pagkatapos ng bawat kliyente na tumatanggap ng mga serbisyo.
- i. Para sa karagdagang impormasyon kung paano maayos na linisin ang kagamitan, mangyaring bisitahin ang website ng CDC.
- ii. Gumamit ng maitatapon na sapin at itapon pagkatapos ng bawat paggamit para sa mga kasangkapan at kagamitan na hindi malilinis
- e. Pagkatapos ng bawat paggamit, palitan ang lahat ng mga gamit na maaaring malinis, at palitan ang lahat ng mga gamit na maaaring itapon, maliban sa proteksyon ng mata ng manggagawa
- Seksyon 5
- 1. Ang mga karagdagang kinakailangan na dapat sundin ng mga pasilidad
- a. Ang mga serbisyo sa pangangalaga ng kuko ay dapat na maglagay ng mga harang sa pagitan ng mga kliyente at manikyurista. Pati na rin ang paglagay ng mga pisikal na harang saanman magagawa sa pagitan ng customer at empleyado.
- b. Dapat buksan ang mga bintana at pintuan kung posible
- c. Kung saanman posible, ilipat ang lahat ng mga transaksyon, pagkonsulta, at serbisyo sa mga customer sa labas.
- d. Hindi pinapayagan ang mga magkasabay na serbisyo dahil nangangailangan ito ng pakikipagsalamuha ng malapitan sa higit pa sa isang manggagawa sa isang panahon.
- e. Ang mga serbisyo sa pangangalaga ng kuko ay hindi dapat pumayag sa mga kliyente na hawakan ang mga bagay sa nail polish display area, at hindi dapat payagan ang mga kliyente na magsubok o maghawak ng nail polish
- 2. Salamat sa paglalaan ng oras para manood ng videong ito. Itong video ay sadyang naglalarawan sa Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba na partikular sa inyong industriya. Kailangan niyong basahin at sundin ang Mahigpit na Ipinapatupad na Direktiba.
- 3. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga negosyo, mangyaring bumisita sa www.sccsafeworkplace.org
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement