Advertisement
Guest User

Untitled

a guest
Sep 18th, 2019
347
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 14.45 KB | None | 0 0
  1. MITO: “CUPID AND PSYCHE”
  2.  
  3.  
  4.  
  5. Garcia
  6. Marquez, R.
  7. Dimaano
  8. Mora
  9. Corrales
  10. Cahayom
  11. Marquez, J.
  12. Lalusin
  13. Coronel
  14. Bait
  15. Tapay
  16. Galvez
  17. Uson
  18. De La Cuadra
  19. Natanaun
  20.  
  21.  
  22.  
  23.  
  24. Balangkas:
  25.  
  26. Panimula
  27.  
  28. Depinisyon ng Mito o Mitolohiya
  29. Elemento ng Mitolohiya
  30. Gamit ng Mitolohiya
  31. Kasaysayan ng Mito
  32. Pinagmulan ng Panitikan
  33. Pinagmulan ng Kwentong Cupid at Psyche
  34.  
  35. Pagtatalakay
  36.  
  37. Kahulugan ng mga Malalalim na Salita
  38.  
  39. Paglalagom
  40.  
  41. Suliranin na natalakay sa Mito
  42. Buod ng Istorya nina Cupid at Psyche
  43.  
  44.  
  45.  
  46.  
  47.  
  48.  
  49. Panimula
  50.  
  51. Deskripsyon:
  52.  
  53. Ang tinatawag nating Mito o Mitolohiya ay ang kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Ito ay isang uri ng panitikan na karaniwang tinatalakay ang mga diyos at diyosa na kadalasang isa sa mga paungunahing tauhan sa isang Mitolohiya. Ito rin ay nagbibigay ng mga paliwanag ukol sa likas na kaganapan. Ang sikat na Mitolohiya ay ang Mitolohiya ng mga Griyego na kung saan ang mga sikat na tauhan dito ay ang isa sa mga pinaka-makapangyarihan na diyos na si Zeus, diyos ng kidlat, Aphrodite, diyosa ng pagmamahal at kagandahan, si Athena, isa sa mga anak ni Zeus, digmaan at karunungan at mga iba pa. Isa sa mga sikat na halimbawa ng Mitolohiyang Filipino ay Si Malakas at Maganda, Ang kuwento ng pagbuo sa Pilipinas, ang Puting Usa at marami pang iba.
  54.  
  55. Elemento ng Mitolohiya:
  56.  
  57. Ang mito ay binubuo ng iba’t ibang elemento, ito ay ang mga diyos o diyosa o ang karaniwang tinutukoy na mga immortal na nilalang sa ating daigdig. Ito rin ay nagbibigay diin kung paano nagsimula ang daigdig, kasama ang topograpikal nitong katangian gayun na rin ang uniberso. Ito rin ay maaring tumutukoy sa mga pandaigdigang kalamidad, paglikha at pagsasaayos ng buhay at huli, ang mga pinagmulan ng iba’t ibang bagay sa mundo, pati na rin ang kani-kanilang katangian, kabilang na ang mga hayop at halaman.
  58.  
  59. Gamit ng Mitolohiya:
  60.  
  61. May iba’t ibang hangarin ang mga panitikan ating nasasalamuha sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang Mito o Mitolohiya ay tumutulong upang maipaliwanag ang pagkakaliha ng ating daigdig gayundin ang pwersa ng kalikasan, kung saan ito ay nagbibigay diin sa mga kakayahan ng ating kalikasan at kung paano ito makakatulong o kung paano itong magbibigay ng kapahamakan sa atin. Ito rin ay nagkukwento sa mga sinaunang gawaing tumutukoy sa relihiyon natin, ipinapahayag din ng isang Mitolohiya ang kasaysayan ng iba’t ibang bagay o pangyayri sa nakaraan. Isa pa , ang panitikang ito ay tumutukoy sa mga nararamdaman ng sangkatauhan kabilang na dito ang matinding takot, pag-asa at pangangarap.
  62.  
  63. Bilang huli, sa kada Mitolohiya na ating mababasa o mapapanood ay may makakakuha tayo ng iba’t ibang aral na maaring tumulong sa atin upang maging mas magandang bersyon ng ating mga sarili di lamang sa kapakanan ng ating sarili kundi sa mga taong ating nakakasalamuha sa ating pamumuhay sa daigdig na ating ginagalawan.
  64.  
  65. Pinagmulan ng Mito
  66.  
  67. Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Ang pinagmulan ng mga mito ay pinaniniwalaang nagmula pa sa Babilonia at sa mga bansa sa Mesopotamia; at kabilang din ang mga Griyego, at mga Romano na naniniwala sa mga diyos at diyosa. Ito ay mabilis na kumalat sa iba’t ibang rehiyon tulad ng Greece kung saan nagmula ang greek mythology. ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa klasikal ba Mitolohiya ang mito/myth ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao.
  68.  
  69. Pinagmulan ng Cupid at Psyche:
  70.  
  71. Ang Cupid at Psyche ay mula sa panitikan ng Mediterranean. Isinulat ito ni Lucius Apuleius Madaurensis (mas kilala bilang Platonicus) noong ikadalawang siglo. Ang kwentong ito ay tungkol sa pagsubok na pinagdaan nina Cupid at Psyche para sa pag-iibigan nila. Ang kwentong ito ay isinalin ni Edith Hamilton at isinalin naman sa Filipino ni Vilma C. Ambat
  72.  
  73. Pagtatalakay
  74.  
  75.  
  76. Ang paksang aming pagtutuunan ng pansin ay ang pagkuha ng kahulugan ng malalalim na salita/parirala sa pamamagitan ng kolokasyon at etymology. Ang mga salitang ito ay nagmula sa mitong “cupid at psyche”. Atin munang talakayin kung ano ang ibig-sabihin ng kolokasyon at etymology. Una ay ang kolokasyon. Ito ay salita na isinasama pa sa ibang salita upang magkaroon ng panibagong hiwatig o ibig-sabihin. Sunod naman ay ang etymology. Ito ay ang pag-aaral ng pinagmulan o ibig-sabihin ng mga salita. Ito ay ang paraan kung paano nagbago ang kahulugan ng mga salita sa kasaysayan. Dumako na tayo sa pagbibigay kahulugan sa mga parirala sa pamamagitan ngkolokasyon. Ang una ay “Nagpupuyos sa galit.” Ang salitang nagpupuyos ay nangangahulugang nag-aapoy. Ang “puyos” ay ang pagkiskis ng dalawang bagay hanggang sa mag-apoy ito. Kapag pinagsama ang salitang “nagpupuyos” at ang salitang “galit” nangangahulugan itong sumusiklab ang galit.Sunod naman ay “Laking ginhawa.”Ang salitang laki ay ginagamit upang tukuyin ang isang bagay/ nilalang na mayroong mataas na sukat, lawak, o kasidhian. kapag ang salitang “laki” at “ginhawa” ay pinagsama,nangangahulugan itong pagkakaroon ng Masidhing kapayapaan o lubhang kaalwanan.Sunod ay “Malagim na balak.”Ang salitang Malagim ay nangangahulugang nakaktakot o karumaldumal. Kapag ang salitang ito ay isinama sa salitang “balak” na nangangahulugang pagpaplano o ideya, ang depenisyon ng “malagim na balak” ay nakakatakot na plano.Sunod ay “Madapuan ng liwanag.” Ang salitang madapuan ay nangangahulugang lumapat o kaya magkaroon. Kapag ito ay isanama sa salitang liwanag, gaya ng “madapuan ng liwanag,” mangangahulugan itong magkakaroon/ masisilayan ng liwanag. Sunod naman ay “Mabuting puso.”Ang depenisyon ng salitang “mabuti” ay tama, mainam o kaya matuwid. Nangangahulugan ang pariralang “mabuti ang puso” na mabait na kalooban o kaya magandang ugali.Dumako naman tayo sa mga pagbibigay ng depenisyon ng malalalim na salita sa pamamagitan ng etymolohiya. Ang unang salita ay Ambrosia. Ang Ambrosia ay nagmula sa griyego.Ito ay pagkain ng mga Diyos-Diyosan.Ito'y madalas na makikita sa mitolohiya ng mga Griyego. Sinasabi na ang Ambrosia ay mayroong katangian na walang katapusang pagkabuhay, kaya ang mga Diyos ay nananatiling makapangyarihan.Sunod ay ang salitang Binuyo na nagmula sa cebu. Ang depenisyon ng salitang ito ay nahimok o kaya nahikayat. Ito ay isang anyo ng pamumwersa o kaya naman pamimilit.Ang salitang Punyal naman ay nagmula sa Espanya. Nangangahulugan itong bolo,kutsilyo o itak sa tagalog. Ito ay isang matilos na bagay na ginagamit na panghiwa, panggayat.Sunod naman ay ang prasko.Nagmula ang salitang prasko sa espanya. Ito ay bote o lalagyan at sisidlan na maaring lamanan ng ibat-ibang kasangkapan gaya ng tubig at pagkain. Ang salitang Alipin naman ay nagmula sa Cebu. Ito ay nangangahulugang katulong/utos-utosan. Nagmula ito sa pariralang “hayaan mabuhay” sapagkat noong unang panahon, ang mga bihag ng digmaan na hinayaang mabuhay ay tinatawag na alipan samantalang sa panahon ngayon, ang alipin ay ang mga taong inialay ang buhay nila upang magsilbi sa ibang tao. Ang huli naman ay ang salitang Diyosa na nagmula saTagalog.Ang depenisyon ng salitang ito ay Diyos na babae. Ang diyosa ay isang immortal na may kapangyarihang lumikha ng bagay-bagay at may taglay na kalakasang wala ang isang mortal na tao .Sa mga milenyal, ginagamit ang salitang ito upang tukuyin ang isang babae na may taglay ng kabigha-bighaning ganda.
  77.  
  78. Paglalagom
  79.  
  80. Suliranin:
  81.  
  82. Ang suliranin na lumutang sa kwento nina Cupid at Psyche ay ang malinaw na diskriminasyon sa pagitan ng pag-iibigang sa pagitan ng isang mortal na indibidwal at isang imortal. Ito ang dahilan kung kaya't pinapahirapan ni Venus si Psyche dahil di hamak na siya ay isang mortal at hindi nababagay sa isang imortal na katulad ni Cupid.
  83.  
  84. Buod:
  85.  
  86. Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae.Si Psyche ang bunso at ang pinakamagandang sa kanilang magkakapatid. Si Psyche ay labis na hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan, kaya agad na nainggit si Venus ,diyosa nang kagandahan at pagibig, sa kanya. Inutusan ni Venus ang kanyang anak na si Cupid na gumawa ng paraan upang turuan ng leksyon si Psyche. Ang paraan na ito ay kinausap ni Cupid ang ama ni Pysche na ipadala si Psyche sa isang mabato na bangin na kung saan dito nya makikita ang kanyang mapapangasawa na isang mabangis na katulad nang isang ahas na may pakpak. Ngunit nung nakita ni Cupid si Pysche umibig rin siya dito dahil ang pana na kanyang tatamaan kay Psyche ay tinusok nya ito sa kanyang sarili.
  87.  
  88. Napadpad si Psyche sa isang palasyo dahil ni Zephyr (West Wind) na kung saan dinala nya si Psyche gamit ang kanyang hangin. Sinabi nya kay Psyche na nandito na sya sa kanyang tirahan at ang kanyang asawa ay naghihintay sa kwarto, kung sya ay may malakas na loob na makita nya ito. Pumasok sya sa madalim na kwarto na kung saan kinausap nya yung taong pinakasalan nya na hindi nya nakikita.
  89.  
  90. Nung isang gabi, si Psyche ay kinausap ng masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang may panganib na darating sa pamamagitang ng dalawa niyang kapatid na kung saan dadarating sila at dapat hindi sya magpapakita sa mga ito. Kinabukasan, narinig ni Psyche ang panangis ng kaniyang mga kapatid. Labis na naantig ang kaniyang damdamin sa kanilang pagluluksa. Nais niyang ibsan ang kanilang kalungkutan at patahanin sila sa pag-iyak. Hanggang sa siya ay umiiyak na rin. Kinagabihan ay inabutan pa si Pysche ng kaniyang asawa na umiiyak.
  91.  
  92. Sinabi ng lalaki na maaari na niyang makita ang kaniyang mga kapatid subalit mahigpit pa rin ang kaniyang babala. “ “ Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan“ wika ng lalaki. Pinayuhan siya nang masinsinan na huwag siyang pabubuyo kaninuman na subuking sulyapan ang mukha ng lalaki. Kung mangyayari ito, magdurusa si Psyche sa pagkakawalay sa kaniya. “ Nanaisin kong mamatay nang isandaan beses kaysa mabuhay nang wala ka sa aking piling. Pagbigyan mo lang ang kaligayan kong muling makapiling ang aking mga kapatid, “ buong pagmamakaawang hiling ni Psyche. Malungkot na sumang-ayon ang lalaki.
  93.  
  94. Bumisita ang mga kapatid ni Psyche nang dalawang beses na kung saan sa unang bisita sila ay namangha sa palasyo na tinitirhan ni Psyche na binigyan pa ni Psyche ang mga nito ng mga ginto at hiyas at sa pangalawa, nainggit sila dito. Inutusan nila ang kapatid na patayin habang natutulog si Cupid sa pamamagitan nang paggamit nang punyal. Nang makita ni Psyche ang itsura ng kanyang asawa na si Cupid gamit ang lampara agad siyang nagsisi sa kanyang pinlano at sinubukang patayin ang kanyang sarili. Nanginig ang kamay niya kaya't natuluan ng mainit na langis si Cupid. Nagising ito ay umalis sapagkat sumuway si Psyche sa kanyang utos.
  95.  
  96. Nagsisi si Psyche at ninais na hanapin si Cupid at suyuiin ito. Napagdesisyonan niyang pumunta kay Venus upang humingi ng tulong. Iba't iba ang pagsubok na binigay ni Venus upang pahirap si Psyche pero tinulungan sya nang iba’t ibang hayop at bagay katulad nang binuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking lalagyan na puno ng iba’t ibang uri ng maliliit na butong pinaghalo-halo niya na kung saan ipapasama nya ang mga magkauring buto bago dumilim, na kung saan ginawa nya ito sa tulong nang mga langgam,inutos din ni Venus na ikukuha siya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog. Ang mga tupa ay mababangis at mapanganib pero tinulungan sya nang halamang nasa tabi ng ilog, at ang pinakamahirap sa lahat ay bibigyan kita ng pagkakataong patunayan na sadyang mapagkunwari kang may mabuting puso at magaling.” Itinuro ni Venus sa malayo ang itim na tubig ng talon.
  97.  
  98. Binigyan niya si Psyche ng praskoat pupunuin ito ng itim na tubig. Nagtungo si Psyche sa ilog ng Styx. Nakita niyang malalim ang bangin at mabato. Tanging may pakpak lamang ang maaaring makaigib ng tubig. Sa lahat ng kaniyang pagsubok, ito na ang pinakamapanganib. Tulad ng inaasahan may tumulong kay Psyche. Isang agila ang dumagit sa praskong tangan ni Psyche at lumipad malapit sa talon. Pagbalik ng agila, puno na ng itim na tubig ang prasko. Ayaw niyang magmukhang tanga sa harap ng madla. Ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa kawawang mortal. Binigyan niya si Psyche ng isang kahon na paglalagyan niya ng kagandahang kukunin ni Psyche mula kay Proserpine, ang reyna sa ilalim ng lupa. Inutos ni Venus na sabihin ni Psyche na kailangan niya ito sapagkat napagod siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak na maysakit. Katulad ng mga nauna agad tumalima si Psyche.
  99.  
  100. Dala ang kahon, tinalunton niya ang daan papunta sa kaharian ni Hades. Tinulungan siya ng isang tore na nagbigay sa kaniya ng detalyadong hakbang patungo sa kaharian sa ilalim ng lupa.Nagawa lahat ni Psyche ang ipinaliwanag ng tore. Pinaunlakan din ni Proserpine ang kahilingan ni Venus. Agad nakabalik si Psyche nang mas mabilis pa kaysa kaniyang pagbaba. Gayunman, nasubok muli ang karupukan ni Psyche. Sa paghahangad niya ng karagdagang kagandahan upang umibig muli si Cupid sa kaniya, natukso siyang kumuha ng kaunting ganda sa loob ng kahon.
  101.  
  102. Nang buksan niya ito, tila walang laman subalit nakadama siya ng matinding panghihina at agad nakatulog.Sa mga panahong ito ay magaling na si Cupid. Kaya humanap si Cupid ng paraan upang makatakas. Nakita niya ang bukas na bintana at doon siya nakatakas. Nahanap niya agad si Psyche malapit sa palasyo. Agad niyang pinawi ang pagtulog ng asawa at agad sinilid ang gayuma sa kahon. Bahagya niyang tinusok ng kaniyang busog si Psyche upang magising. Pinagalitan niyang muli ang kaniyang asawa dahil sa pagiging mausisa nito na humantong muli sa kaniyang kapahamakan. Sinabi niyang magtungo si Psyche sa kaniyang ina at ibigay ang kahon. Dito na magtatapos ang pagpapahirap ng kaniyang ina.
  103.  
  104. Sa huli, nalampasan ni Psyche ang mga pagsubok at nagpakasal sila ni Cupid. Naging immortal na rin si Psyche sa tulong nang paginom nang ambrosia at hindi na siya kinainggitan ni Venus.
  105.  
  106. Aral:
  107. Ang aral na makukuha sa mito ni Cupid at Psyche ay ang pagmamahal ng walang kapalit, pagtitiwala at pagtanggap. Ipinakita ng mito na ang pagmamahal ay nanggagaling sa iba’t ibang anyo, kahit lubhang pinapakita ang kaibahan ng mga nagmamahalan ay hindi ito nakakapigil sa kanilang pagpapasiya at tiyaga. Isa rin sa maaaring matutunan sa mito ay walang magandang maidudulot ang pagdidiskrima sa ibang tao miski ano man ang estado nito sa buhay. Lahat tayo ay pantay-pantay at dapat nating irespeto ang bawat isa.
  108.  
  109.  
  110.  
  111. References:
  112. https://brainly.ph/question/486344
  113. https://www.pinoynewbie.com/cupid-at-psyche-buod-tauhan/
  114. https://brainly.ph/question/297774
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement