Advertisement
Guest User

Untitled

a guest
Oct 23rd, 2017
90
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.61 KB | None | 0 0
  1. rk5
  2.  
  3. "Alapaap"
  4.  
  5. Para kang alapaap na pilit kong gustong abutin ngunit ako’y walang kakayanang lumipad, hindi sapat, hindi sapat ang lakas para tumayog nang mas mataas mula sa aking kinabibilangang lupa, hindi sapat ang tapang, walang kalyong mga kamao at takot ay parating namumuo. Pilit kitang gustong abutin.
  6.  
  7. Hindi ka parang bituin, nabanggit ko na ika’y maihahambing lamang sa alapaap. Marahil ang iyong kinang ay nakasisilaw din, higit na nagbibigay ng liwanag na hindi naatim ng musmos kong mata ngunit nadarama ng puso kong iyong inabala. Hindi ka nga parang bituin, dahil ito’y malapit na sa imposibleng abutin, maliit ngunit nananatili sa sarili ang pagkagustong maabot ang alapaap.
  8.  
  9. Saan papanig ang damdamin? Madalas itong dumamping parang gamu-gamo sa liwanag kung saan siya ay nakadarama ng ligaya. Ang panghihina ng loob ay dumarating paminsan minsan na hindi nababatid ng aking pusong makulimlim. Ako’y bumabalik parin, kaylakas nga nitong damdamin, ito at ito ang pinapanigan sa kabila ng namumuong takot at kalungkutan.
  10.  
  11. Matagal ko nang alam ang kasagutan, mananatili kung saan kinakailangan, gagawa ng sariling kalalagyan. Ika'y nagbibigay ng kaligayaha't kalungkutan, ipinararanas ang dapat na nararamdaman, ipinadarama ang kahulugan ng pagmulat at paghinga. Lubusan sa akin ang ligaya.
  12.  
  13. Mananatili kang alapaap sapagkat ito marahil ang nararapat. May kakayanang abutin ngunit hindi dapat pilitin, mga ideyang kailangan nang ilibing na hatid sa puso'y pawang madilim. Ako'y mananatili sa himpapawid kung saan pinupuno ang kahon ng kaligayahan at magpapasalamat sa kagandahang ipinagkaloob ng Makapangyarihan.
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement