Advertisement
Guest User

Untitled

a guest
Nov 22nd, 2014
162
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 6.50 KB | None | 0 0
  1. “Emotional abuse is like brain washing in that it systematically wears away at the victim’s self-confidence, sense of self-worth, trust in their own perceptions, and self-concept. Whether it is done by constant berating and belittling, by intimidating, or under the guise of ‘guidance,’ ‘teaching,’ or ‘advice,’ the results are similar. Eventually, the recipient of the abuse loses all sense of self and remnants of personal value. Emotional abuse cuts to the very core of a person, creating scars that may be far deeper and more lasting than physical ones.”
  2.  
  3. Nagets mo ba, Papa?
  4.  
  5. Ibig sabihin, ang emotional abuse ay kayang pumatay sa self-confidence, self-worth, tiwala sa sarili at tingin sa sarili ng isang tao. Nangyayari ang emotional abuse sa simpleng pamamahiya o paninigaw. Sa pauulit-ulit na ganung pangyayari pwedeng mawala ang self-confidence at bumaba ang tingin ng biktima sa kanyang sarili.
  6.  
  7. Bakit ko to sinasabi sayo?
  8.  
  9. Kasi diba nagtanong ka bakit ako ganito kay mama. Tingin mo ba gusto ko na ganito kami? Kung alam mo lang na nag-eeffort din naman ako na wag na kaming ganito pero kapag nagagalit sya sakin parang gusto ko na lang sumuko.
  10.  
  11. Alam mo naman na kapag nagagalit si mama lahat ng masasakit na salita lumalabas sa bibig nya. Mula pagkabata ko lagi nya akong pinapagalitan at sinasabihan ng masasamang salita. Kaya ngayong lumaki na ako lagi akong galit sa kanya kasi tuwing nakakausap ko sya, hindi ko malimutan lahat ng masasakit nyang sinabi sakin. Pinipilit ko rin naman na kalimutan na lang pero kapag may nagagawa akong mali at magagalit sya sakin bumabalik lahat.
  12.  
  13. Kung alam mo lang may mga oras na gusto ko na lang mawala kapag pinapagalitan nya ako. Lahat ng ginawa at sinabi nya sakin natatandaan ko pa. Gusto mo ilista ko pa para di mo masabing nagiimbento lang ako.
  14.  
  15. 1. Nung time na kumakain ako at naglilinis sya ng toilet, nagagalit sya kasi laging naiiwan yung mga pinagbalatan ng shampoo sa CR. Kasalanan ko, tamad ako. Pero tama ba na isubo nya sa bibig yung pinagbalatan ng shampoo habang kumakain ako?
  16. 2. Nung time na nagagalit sya sakin at sinabi nya na kapag sinumpa ka ng magulang mo malamang sa malamang ay mangyayari yun, tapos sabi nya wala akong mararating kasi ang panget ng ugali ko. Sobrang tumatak sa isip ko yun na kaya ngayon minsan iniisip ko para saan pa ba tong ginagawa ko kung nanay ko mismo sinabing wala naman ako mararating?
  17. 3. Nung time na sinabi nya sakin na kaya wala akong kaibigan nung high school dahil sa ugali ko. Yun yung pinakamasakit na sinabi nya sakin. Sino bang gustong mawalan ng kaibigan? The fact na nalulungkot ako araw-araw kasi konti lang kaibigan ko, imbis na sabihin nya na pwede ko syang maging kaibigan, sinisi pa nya sakin yung pagkawala ng mga kaibigan ko. Ang sakit lang na marinig yun sa sariling mong nanay.
  18. 4. Yung kapag nagagalit sya at sasabihan nya ako na kaya yung mga kapatid ko sobrang tamad din dahil nakikita nila ako. Wala silang mapag-gayahan o mapag-malaking ate na pwede nilang gayahin sa paglilinis ng bahay.
  19. 5. Kapag pinapagalitan nya sila Dyereeco at sinasabihan din ng masasakit na salita. Nasasaktan din ako kasi ayokong maexperience nila yung nangyari sakin. Parang okay na nga na ako na lang pagalitan nya at wag na sila Dyell kasi mahal ko mga kapatid ko.
  20. 6. Nung sinabihan nya akong satanista at hindi na pakikinggan ng Diyos. Yun mismo ang dahilan kung bakit ayaw ko ng maniwala sa religion. Mahal ko ang Diyos pero ayoko ng paraan ng pananampalataya ng mga Katoliko sa kanya. Maraming tao sa mundo, hindi lamang mga Katoliko nabubuhay dito. Maraming pwedeng beliefs ang mga tao. Naniniwala kasi ako na basta gumagawa ka ng mabuti sa tao at hindi ka nakakasakit ng kapwa, sapat na yun para magkaroon ng mabuting buhay. Hindi yung ipapahiya yung mga taong hindi kapareho ng paniniwala mo.
  21.  
  22. Umiiyak ako habang sinusulat yung letter na to. Alam mo naman papa na kahit ganito ako mahal ko kayo. Yung huling beses na nagaway kami, hindi ako umiyak sa harap nya. Umiyak ako sa loob ng bus. Ang sakit kasi na masabihan ng sarili mong nanay na "kung makakapili lang ng ina, siguro hindi ako pinili mo. Eh kung makakapili lang rin ng anak, hindi ikaw pinili ko." Ang sakit na marinig yun mula sa kanya. Ayoko naman ng ganito weh. Lagi akong naiinggit sa mga kakilala kong close sa nanay nila, tapos winiwish ko na sana ako din.
  23.  
  24. Nasanay na siguro ako na lagi nya akong sinasabihan ng masasakit na salita kaya kapag naririnig ko sya yun lang naiisip ko. Ayoko talaga ng ganito, Papa. Bat ganun kami? Sana di na lang kami ganun.
  25.  
  26. Papa, sana kapag nabasa mo to wag ka ring magalit sakin. Sana intindihin mo ako. Sana kung rereplyan mo ako at may panunumbat na kasama wag mo na lang akong replyan. Sobrang sakit na kasi. Araw-araw naiisip ko bakit ako ganito? Bakit hindi ako katulad ng iba na close sa magulang nila? May mga problema ako na minsan gusto kong ikwento sa inyo kaso natatakot ako na baka isisi nyo ulit sa akin yung dahilan ng problema ko. Ayoko na ng ganito. Minsan pumapasok sa isip ko na mamatay na lang ako pero hindi ko gagawin yun kasi mahal kita. Mahal ko kayo ng pamilya ko. Natatakot ako sa sasabihin mo. Parang awa mo na wag mo kong replyan ng galit kasi mas masasaktan ako. Hindi ko na alam gagawin ko. Yung mga kaibigan ko naiinis sakin kapag hindi ako nagkkwento. Hindi ako makapagkwento kasi nasanay akong umiiyak ng mag-isa, na lahat tinatago na lang. Kasi natatakot ako na kapag nagkwento ako lalo silang mainis sakin.
  27.  
  28. Papa, please wag ka ring magagalit kay mama. Gusto ko lang syang makausap ng hindi sya magagalit at magsusumbat sakin. Papa, ipaliwanag mo ng mabuti sa kanya kung bakit ako ganito. Wag kang magagalit kasi feeling ko ngayon malaking pabigat lang ako. Natatakot ako sa mga sasabihin ni mama. Gusto ko namang magbago talaga pero sa tuwing magagalit sya sakin, nawawala lahat ng motibasyon ko para magbago.
  29.  
  30. Papa, kapag sinabi nya na ine-exaggerate ko lang to, ikaw na bahala sa paniniwalaan mo. Sinabi ko lang lahat ng nararamdaman ko. Sobrang honest ko ngayon kasi ayoko na talaga ng ganitong buhay, nabubuhay ako sa galit at takot. Alam ko yung mga pinagdaanan ni mama dati kaya siguro nagagawa nya yun. Pero kung pagpapatuloy nya na gawin samin yung mga nangyari sa kanya dati. Baka maging katulad din nya kami, maging mapanakit sa anak namin. Ayokong mangyari yun.
  31.  
  32. Papa, please wag kayong mag-aaway baka lalo lang syang magalit sa akin. Gusto ko lang maintindihan nyo kung bakit ako ganito. Sorry. Gusto ko talagang magbago. Sorry, Papa. Wag mo kong susumbatan o kahit ano. Please intindihin nyo mabut lahat ng sinabi ko. Kasi nasasaktan din talaga ako.
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement