Advertisement
Guest User

Untitled

a guest
Sep 15th, 2019
131
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.61 KB | None | 0 0
  1. Panginoong Makapangyarihan, maano nawa na ang iyo pong habag ay ilawit sa aming kapatid na kalilisan pa lamang ng lupa, Maano nawa na ang Iyong ilaw ay magliwanag sa kanyang mga mata! Hanguin Mo po siya sa mga kadiliman, buksan Mo po ang kanyang mga mata at pandinig! Maano nawang ang Iyo pong mga alagad ay ligirin siya at sa kaniya'y iparinig ang mga salita ng kapayapaan at pagasa.
  2. Panginoon, bagaman po di kami karapat-dapat ay nangahas kaming sumamo upang ang Iyong kaawaan at patawad ay ipagkaloob sa Kapatid naming katatawag Mo pa lamang sa tapunang ito; gawin Mo pong matulad ang kanyang pagbabalik sa anak na alisaga ng Banal na Kasulatan. Ang katarungan Mo po'y hindi nagmamaliw, nalalaman namin, ngunit ang pagibig Mo naman ay walang hangan. Isinasamo nga namin na padaluyin ang Iyong katarungan diyan sa batis ng kaawaan nagmumula sa Iyo.
  3. Maano nawa na ang Ilaw ay magliwanag sa iyo Kapatid na kalilisan pa lamang ng lupa, Maano nawang ang mga mabubiting espiritiu ng Panginoon ay suma iyong piling, ligirin ka at tulungan magkalag ng tanikala ng kalupaan! Alamin mo't malasin ang kadakilaan ng ating Panginoon; sumailalim ka ng walang tutol sa Kanyang katarungan, subali't kailan ma'y huwag kang mawawalan ng pagasa sa Kanyang kaawaan, Kapatid, ang isa nawang tapat na pagmamalas sa iyong nakaraan ay makapagbukas ng pinto ng haharapin at maipatalos sa iyo ang mga nalalabi mo pang pagkukulang at gawain kinakailangan upang iyong mapagbayaran, Patnubayan ka nawa ng Dios, alalayan ka at bigyan sigla ng kaniyang mga banal na alagad! Ang iyong mga kapatid sa lupa'y idadalangin ka at idalangin mo naman kami sa Ama, Siya nawa.
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement