Advertisement
Guest User

Makuy

a guest
Jul 22nd, 2018
91
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 2.05 KB | None | 0 0
  1. Pasikat pa lamang ang liwanag ng madaliing bitbitin ni Mang Gapit ang kanyang musmos ito’y pumungas at agad nahimbing sa braso ng kanyang ama, patungo sila sa kanilang trabahong nag bibigay sustento sa kanilang pang araw-araw. Nang sila’y makarating napabalikwas at tuluyan nang nagising ang musmos mula sa ritmong pag sabit ng mga taong may pula, asul at dilaw na kamiseta na humihiyaw ng iba’t ibang pakikipag-baka.
  2.  
  3. “Never agaaaaain to Partiaaal Laaaaw!” Sigaw ng dalagang sukbit ang plakang inilalathala niya
  4.  
  5. “Tay, ano ho yung nisisigaw nila na partial laaaw?” Ani ng musmos sa kanyang ama
  6.  
  7. “Ah eh…….. ah yung never again to partiaaaal laaaw naak aaay……” Biglang napaisip Si Mang Gapit
  8.  
  9. “Ibig sabihin trabaho, bibigyan tayo nang pera sa pag hiyaw; may pang kain na tayo” Pabirong pag singit ni Gongdi sa mag-ama
  10.  
  11. “Oo, yun na nga mabuti ang partial laaaw nak”
  12.  
  13. “Nais ko din ho maging bahagi nang partial law–paglaki ko nais kong maging mabuti”.
  14.  
  15. Lumipas ang tatlong dekada, ganap na ang dating musmos maging alagad ng ehekutibo. Sa pag babalik tanaw sa nakaraan muling sumagi sa isip nito ang mga pangyayari at ang makabayang tanong sa sarili.
  16.  
  17. “Kailan kaya nila pinalitan ng M ang P, ang Partial Laaaaw?….. ahh siguro nalaman na din nila na mabuti ito, sige eto na nga”. Hinigpitan niya ang pagkapit sa panulat at mabilis na hinulmahan ng kanyang pangalan ang papeles sa kanyang harapan. Sa kabilang banda ganun pa rin subalit may pag asenso ang pamumuhay ni Mang Gongdi at ng kanyang mga kasama, napagtutuhan na nilla at ng iba pa ang pag hiyaw at pag sulat ng tama. “BAAAANG! BAAAANG! BAAAANG!” Dalawangput pitong ulit na bumaon ang bala sa kalamnan ni Mang Gongdi na nag mula sa baril ng dalawang nakamotor, nang makasiguradong todas na kinabitan ito nang shabu sa magkabilang bulsa. Tuluyan na ngang lumapat ang katawan ni Mang Gongdi sa bangketa at ang brasong hawak ang kanyang libro ‘Ang Maling Aral’y Mag bubunga ng Kapahamakan Ko’ Librong nag sasadula sa buhay ng kasalukuyang pamunuan, administrasyong Makuy.
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement