Advertisement
maikeenavang

Untitled

May 21st, 2018
133
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.47 KB | None | 0 0
  1. Little Red Riding Hood
  2.  
  3. Nagsimula ng maglakbay si Little Red Riding Hood sa kagubatan upang bisitahin nya ang lola nyang may sakit at para ihatid ang mga maiinit na tinapay na iniluto ng kanyang ina.
  4.  
  5. Habang sya ay naglalakbay, may nakasalubong syang g batang lalaking lobo. Inabutan sya ng mga bulaklak nito. Ngunit naalala ni Little Red Riding Hood ang sinabi ng kanyang ina "Wag kang makikipag-usap sa hindi mo kakilala" Kaya hindi nya pinansin ang batang lobo.
  6.  
  7. Sa kanyang paglalakad nabaling ang tingin nya sa mga magagandang bulaklak, kanya itong nilapitan at pumitas ng ilan. Sa di kalayuan ng damuhan may narinig syang kaluskos, nilingon nya ito at nilapitan, lumabas ang isang napakagandang kuneho.
  8.  
  9. Nahulog ang kanyang loob sa kuneho, nang akma nya itong hawakan, nagbago ang anyo nito. Naging isang nakakatakot na halimaw at handang nang kainin sya. Pero bago pa man makagat si Little Red Riding Hood ang batang lobo ay sumaklolo agad. Kinagat nya ang halimaw na kuneho. Naging madugo ang labanan pero sa huli natalo ng batang lobo ang halimaw na kuneho.
  10.  
  11. Sugatang lumapit ang batang lobo sa kanya at iniabot ulit ang bulaklak, tinanggap naman nya ito ng may ngiti sa kanyang labi.
  12.  
  13. Binigyan nya ng isang halik ang batang lobo sukli sa pagliligtas sa kanya.
  14.  
  15. "Salamat sa pagkain" sambit ng batang lobo na may ngiting nakakaloko.
  16.  
  17. "Asan na kaya ang apo ko?" Tanong ng matanda sa kanyang sarili habang nakaratay sa kanyang lumang higaan.
  18.  
  19. #SobrangShortStories
  20. Maikeenavang
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement