Advertisement
Guest User

SCRIPT SA AP HATDOG

a guest
Sep 17th, 2019
384
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 3.37 KB | None | 0 0
  1. Superbook: Episode 1 - Pagkabuo ng Imperyong Romano
  2.  
  3. Teacher: Okay, pulutin niyo ang mga kalat at check niyo kung may naiwan na gamit! Student 1 and 2 stay muna kayo nang sandali. Class dismissed.
  4.  
  5. Teacher: Kayong dalawa ang nasa top ng Science class ko sa buong batch. Congrats. Kaya may ipapagawa ako sa inyo na mapanganib. Okay lang kung hindi kayo papayag pero...
  6. Student 1: Thank you po Ma'am/Sir. Ano po ba iyong pinapagawa muna?
  7.  
  8. Student 1: Talaga ba? Excited na 'ko!
  9. Student 2: Hmm... gusto ko eh, pero kinakabahan ako...
  10. Student 1: Ano ka ba? Sama-sama naman tayo! Kaya natin iyan!
  11. Student 2: Okay...
  12.  
  13. Teacher: Ingat kayong dalawa, first time ko pa lang kasi gumawa ng time machine.. Sana rin na maenjoy niyo yung experience. Good luck!
  14.  
  15. Narrator: At ngayon, madidiskubre natin ang nangyari noong 31 BCE.
  16.  
  17. NARRATOR: Nagkaroon ng laban na kung saan natapos ang serye ng mga digmaang cibil at bumagsak ang Romanong Republika, ito ay ang Labanan sa Actium. Pagkatapos ng labanang ito, may isang lalaking nangangalang Octavian na itinanghal bilang unang Romanong emperador, at iyon ang naging marka ng umpisa ang Imperyong Romano.
  18.  
  19. Octavian: Ako... ako ay si Octavian o Augustus Caesar, ang princeps na anak ni Julius Caesar na naging matagumpay sa kaniyang mga laban. Sundan niyo ang aking mga utos nawa'y ako ay iyong Romanong emperador at panghabambuhay na konsul.
  20. Student 1: Anong nangyayari?!
  21. Student 2: Hindi ba niya tayo makikita?
  22. Student 1: Kaya nga tayo tatago eh.
  23.  
  24. Octavian: Princeps? Ako ay isang princeps, ang unang mamamayan, ang pinakamarangal at matanyag na pinuno. Ngunit ako rin ay isang karaniwang mamamayan tulad ninyo, at ang pamahalaan na pinamumunuan ko ay isang republika.
  25.  
  26. Narrator: Si Octavian lamang ang may hawak ng buong kapangyarihan sa Imperyong Romano. Siya ang gumagawa ng mga desisyon, may awtoridad sa lahat ng mga mamamayaman, at iba pa. Gayunpaman, di niya tinanggal ang Senado...
  27.  
  28. Octavian: Kaya ang dapat natin pinapahalagahan ay ang mga sundalo kasi..
  29. Senador: Augustus, paano naman ang mga pribado—
  30. Student 1: Huh? Ano na naman ang nangyayari?
  31. Octavian: At ang mga pribadong hukbo ng ating mga maginoo at heneral ay dapat tanggalin.
  32. Senador: Sigurado ka po ba? Baka hindi na tayo magtagumpay—
  33. Octavian: Sumunod na lang kayo sa akin. Ako ang namumuno sa buong imperyo, hindi ba? Tapos.
  34.  
  35. Student 1: Ngek, bakit naman ganun?
  36. Student 2: May nabasa ako rati na ang emperador lang ang may kapangyarihan eh...
  37. Student 1: Weh? Parang ang ano naman kasi ng mga desisyon niya..
  38. Student 2: Pero paano natin sila... AAAAAAAHHHHHH
  39. Student 1: Ano nang—
  40.  
  41. Mamamayan: Ang ayos na ng mga kalsada at saka may sapat na akong suplay ng tubig!
  42. Student 1: Ang daming tao! Di ko na alam kung anong nangyayari..
  43. Student 2: Sa panahon daw nito, dumami ang populasyon at umabot sa 1 milyon..
  44.  
  45. Student 1: Ang angas naman ni Augustus Caesar... binigyan niya talaga sila ng "basic service"?
  46. Student 2: Sana all, di ba? Duterte, baka naman.
  47.  
  48. Narrator: Pinalawak din ni Octavian ang teritoryo ng imperyo sa labas ng Rome sa tulong ng organisasyon ng hukbong Romano. Inorganisa rin niya ang mga sinakop na teritoryo sa mga probinsya at itinalaga ang mga gobernador sa bawat probinsya na nagkaroon din ng kaukulang awtonomiya.
  49.  
  50. Narrator: Sumunod sa kaniya ang ilan sa kaniyang mga kamag-anak na bumuo sa linyang Julio-Claudian na sina Tiberius, Caligula, Claudius, at Nero.
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement