Advertisement
Guest User

Hahaha cool

a guest
Jul 23rd, 2019
132
0
Never
Not a member of Pastebin yet? Sign Up, it unlocks many cool features!
text 1.41 KB | None | 0 0
  1. Ang panitikan ang tawag sa lahat ng uri ng pahayag na may takdang anyo o porma. Ito ay aking binibigkas, sinusulat, at nilalagyan ng aksyon. Hindi ito para sa kasiyahan ko lamang, hinuhugis at tinuturuan din ako nito tungkol sa aking pagkatao. Sa paglikha ng panitikan, nagkaroon ako ng inspirasyon sa iba't-ibang bagay sa pamamagitan ng paglabas ng aking imahinasyon at ideyal na kaisipan.
  2.  
  3. Ang bugtong naman ay isang uri ng pangungusap o tanong na may nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang kaisipan. Ito ay nakakatulong sa aking pag-iisip at impresyon sa aking kapaligiran. Binibigyan din ako nito ng bagong impormasyon na maaring maging importante sa habang-buhay.
  4.  
  5. Ang kwentong bayan ay naging bahagi ng ating katutubong panitikan na may tradisyonal na kaisipan at naipasa sa pamamagitan ng pasalindila. Dahil sa pagbabasa ng mga kwentong bayan, lumawak ang aking kaalaman tungkol sa kasaysayan, karanasan, at kaisipan ng ating mga kababayan. Nakakatulong din ito sa aking nais na pahalagahan ang mga nilikha ng ating ninuno.
  6.  
  7. Ang epiko ay isang mahabang tula mula sa makalumang paraan ng mga pananalita. Ito'y nagsasaad ng kabayanihan sa pamamagitan ng paglalakbay at pakikidigma ng pangunahing tauhan. Sabi ng aming guro na lahat tayo ay bayani, at naniniwala ako sa sinabi niya. Para sa akin, ang isang bayani sa kasalukuyan ay ang taong makakagawa ng pagbabago sa lipunan at maging mabuting mamamayan ng kaniyang bansa.
Advertisement
Add Comment
Please, Sign In to add comment
Advertisement